Freelance Jobs

Thursday, August 13, 2009

Alam Mo Ba ang lolcat?

Ang lolcat ay hango sa salitang lol ("laugh out loud") at cat (pusa). Kilala ang lolcat sa pagkakaroon ng mga pusang "nagsasalita" na me baluktot na gramatika at sablay na baybay.

lol, pusa

Para sa 50% mamamayan ng Internet na pamilyar rito, ito ay nakakatawa. Para sa 45% online tambay na madalas itong makita, ito ay nakakaasar at nakakapikon sa kapalpakang itinuturo nito. Para sa natitirang 5% na ngayon pa lamang ito nakita - katulad ng aking kuya - ang oras ng inyong paglaya mula sa lunggang inyong kinasasadlakan ay nalalapit na.

Oras ng lumaya.

Ang lolcat ay isa sa naging paksang pinag-usapan namin ng aking matalik na kaibigan (pulitika at ang mga kasulukuyang pangyayari ang pinakamatinding paksa). Sa katuwaan ng aming talakayan kanina, naisipan kong ipagsama ang dalawa at gumawa ng bersyon ng lolcat na matatawag na sariling atin.

Bakit? Sapagkat hindi tayo dapat nagpapatalo.


Mabuhay tayo!

Itinatawag ko itong lolGMA, hango na rin sa salitang lol na dinugtungan ng GMA, o Gloria Macapagal-Arroyo.

(i-click upang lumaki ang maliit)








Ano ang masasabi mo sa lolcat?


E sa lolGMA?

Wednesday, August 12, 2009

Paano Mo Disiplinahin ang Iyong Pamangkin?

Ang aking pamangkin na isang taong gulang ay saksakan ng likot. Kapag pinipigilan siya ng sinuman sa kanyang naisin, siya ay dumudura. Isang bagay na hindi ko ikinatutuwa.

Ikaw, natutuwa ka?

Kahit sigawan siya ng ilang beses, giitan ng "No! Nononono!" ng makailang-ulit, o suhulan ng pagkain ("Cha! Cha!" na ang ibig sabihin ay "Kain! Kain!"), dudura at dudura siya.

Sabagay... kahit ako mapapadura e.

Madalas kaming magtalo ng batang ito, lalo pa't ayoko sa makukulit at hindi ako mahilig sa bata.

Pero mas gugustuhin mo bang ito ang kasama ng anak mo?


Isang talakayan:

Mama: Wag dudura bait, bad yan... No, no! Bad bad yan!

Pamangkin: (tigil sandali)

Mama: Ayaaaa -

Pamangkin: (dura)

Ako: Pwede na ba siyang silihan?

Gulay of love

Mama: Ano ka ba, bata pa yan, di naman niya alam ginagawa niya.

Ako: Tch. Kulit e. (napaisip sandali) Naaawa na ba kayo sa magiging apo niyo sa 'kin?

Papa: (tawa)



Paano ka magdisiplina? Naniniwala ka ba sa
tough love?

O sa tough ten?

Monday, August 10, 2009

Nanghihinayang Ka Ba sa Buhok Mo?

Kanina pasado ala-una ng hapon ay sumuko na ako sa bagsik ng init. Kasama ang aking kapatid, pinuntahan namin ang nanay ng kanyang kaibigan upang magbawas.



Ng buhok.

Magaling ang ina ng kaibigan ng kapatid ko - palibhasa'y tagagupit sa Bench Fix Salon. Day off nya ngayon kaya kami ay kanyang pinaunlakan. Sa sobrang busisi nya, inabot siya ng halos kalahating oras sa pagtatabas ng buhok ng utol ko.


Mabusisi

Bukod sa mabusisi, nakakabilib siyang maggupit. Ginagawa niya ang paggupit sa labas ng kanyang bahay at napakaraming puno sa paligid nito - mahangin sa kanilang tinitirahan, at napakahangin din kanina nang naggugupit siya sa amin.
Kapagdaka ay oras ko na. Napuwesto na ako sa isang backless na monobloc at, habang minamasdan ko ang mga kabataang naglalaro sa kalsada, ako'y kanyang ginupitan.


Liberal na monobloc

Ang pinakamahabang parte ng aking buhok ay umaabot sa aking bewang, kung kaya't napakainit ng pakiramdam kapag kasagsagan ng araw. Nakapanlilimahid at nakakainis, kaya naisipan ko na itong paputulan. Ang tanging bilin ko ay maigsi na madaling ayusin. Low maintenance, kumbaga, dahil wala akong pasensyang mag-ayos. Ang kinalabasan? Eto, nakaupo ako ngayon at pinagpipiyestahan ng mga hayup na lamok ang aking batok.


After party

Nagustuhan ko ang aking gupit, at gayon din ang aking mga magulang na matagal na akong inuudyok na magpagupit. Ang mga utol ko naman, lalo na ang mga utol kong babae, ay nanghihinayang sa haba ng buhok kong nawala. Ang turan ko, humahaba naman ang buhok. Ang sabi nila ay matagal pa yun. At naisip ko - bakit pa pinanghihinayangan ang buhok samantalang sila'y dead cells lamang? Bakit ba natin pinag-aaksayahan ng shampoo ang mga patay na parteng ito? Gumagamit pa tayo ng gel, mousse, laway... nagbo-blower pa o kaya'y nagpa-plantsa upang padiretsuhin ito kung ito'y kulot. Kung diretso naman, pinapakulot ito. Pinakukulayan rin ito ng tsokolate, pula, asul, tahel, at kung anu-ano pang kulay na ini-endorse ni Rainbow Brite.


At konti lang yun, ba!

Ang buhok ko ngayon ay hanggang baba na lamang. At ang sarap sa pakiramdam na walang kabigatan sa iyong balikat. Aba, mabigat kaya ang dumi at usok na kumakapit sa buhok mo. Yun nga lamang, lapitin talaga ako ng lamok noon pa, at ngayon ay may bago na silang tambayan.


Isipin mo na lang, me binubusog kang mga lamok at binubuhay!

Ikaw, nanghihinayang ka ba sa buhok mo kapag ito'y pina-iigsian mo?

Thursday, August 6, 2009

Because there is no death, only a changing of worlds - and now hers is yellow and eternally free

(Break muna tayo, kaibigan)

Once upon a time in a land near and far, in a time where yours and ours are but dreams yet undreamed, in a place where here and there are but visions yet unclaimed, the greatest king who never reigned went down to his people and died.

This gentleman, this lord, this king now forever lost, set open the floodgates of tears of a people numbed by tyranny. For years these people had lived under an iron man's rule, for years they had fought for and lost their right to be free. For years they had stayed bound and silent, dying a slow death as their hope faded and disappeared. For years they were lost. For years they were dying.

In the death of the greatest king who never reigned, these people died.

And yet in death there was life. A dying ember gently, tenderly, steadily grew brighter until, three years later, it blazed into life. With the kiss of a mother, this flame grew bigger, bolder, all heat and light of burning, burning yellow. And the flames flickered, and the flames danced, casting yellow lights against the shadowed corners until there was no darkness but light, until there was no lie but truth, until there was no black but yellow, yellow, eternally yellow.

Yellow, the color of cowards. Yellow, the color of the sun. Yellow, the color that blinds with its harshness and truth, the color that glares with its heat and light. The color of the honest, the color of the brave, the color of the queen of the blue blue sky - the color that promises a brand new life.

And the wife of the greatest king who never reigned was all shades of yellow and light and truth. She was yellow, and fearlessly so. She was yellow, and truthfully so. She was yellow, and beautifully so.

In a kingdom where a lost child sought, it was the brightness of her yellow that he found. In a kingdom where a lost people grieved, it was the comfort of her yellow that she provided. In a kingdom where miracles were doubted and forgotten, she commanded tears of yellow from the lightening skies. She commanded armies of yellow in a voice so soft, she commanded courage before fear in a voice so gentle, she commanded truth in the face of lies in a voice so mild. She was the woman in yellow who commanded respect and love, the woman in yellow who respected and loved.

She was no princess, no queen, she was no experienced leader. She was simply the wife of the king who never was, simply the widow left with the task of continuing his fight. She was simply the mother of his daughters and son. Simply the mother of children who will no longer feel a father's love.

She was simply a mother.

And she was all a lost kingdom needed.



Once upon a time in a land near and far, in a time where yours and ours are not entirely distant, in a place where here and there are not entirely different, the greatest mother who ever reigned went up to her King and lived.




Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino, the 11th President of the Philippines, died on August 1, 2009 at 3:18 am. She is laid to rest today at the Manila Memorial Park beside her husband, national hero Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.

Sunday, August 2, 2009

Ano ang Pinakagusto mong Kontribusyon ni Tita Cory Sa Mundo?


Dahil kay Tita Cory, the color yellow ceased to be the color of cowardice - it became the color of courage.

1-2.jpg picture by aquileiaa
Hanggang sa muli, Tita Cory!

Friday, July 31, 2009

Totoo Ba ang Job Ad na Ito?

Kahapon ay nakatanggap ako ng isang alerto mula sa kaibigan ng sangkatauhang naghahanap ng trabaho - si LiNa ng Jobstreet.

Hi na din ke Joey Lina

Ang subject line pa lamang ay nakakapagtaka na. Nguni't naisip ko - kung ang paborito ko ngang dyaryo ay nagkakamali, paano pa kaya si LiNa na isang programa lamang?

Programa lang ako, nagkakamali din!

Pagkaclick ng link ay dinirekta ako rito. Ganun na lamang ang pagtataka ko pagkabasa nito - ito na marahil ang pinaka... kakaibang job ad na aking nakita. Sa pagtataka ay nag-apply ako - gusto kong magturo at gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang deal sa patalastas na ito. Naisip ko rin, maaari ring nagmamadali lamang ang gumawa ng ad na ito. Hindi ba't magandang magbigay ng ikalawang pagkakataon?


O, wag ka na mag-ikatlo! Kulit talaga ng lahi o...

Isa pa, ngayon ko lang nakita ang salitang educatorist. Kaya curious talaga ako.


Buti pa si Google

Laking bigla ko nang matanggap ko agad ang sagot na ito sa aking inbox:
Dear Sir/Madam
We are Travel and Tour Education specalist That embark on teaching childern english and tour guide.We dont have office in your country manila or Philiphines. We are aboard company that need Education teachers urgently for the following countries where our branches are and you will start to work once you arrive there after 1 month tranining.
We are offering oversea employment opportunities in our company:
Europe: Armenia, Azerbaijan, Georgia
North America: Costa Rica, Dominica, Haiti
South America: Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, Peru
ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam
Non-ASEAN: Hong Kong, Macau, Maldives, Mongolia, Nepal, Sri Lanka
Please we dont have must time and we need applicant to be here in any of the choosen country before August 10.After you have read the mail and you accept all the term and condition then we are going to issue an interview date and time on phone or online.
We provide the following for our coming fresh staffs
1.Salary---- $2500--$4000 depend on your ability
2.Apartment for free
3.Insurance for 2 year working contract --$1000
4.Working Visa ---- $1000
5.Allowance weekly---$500
Please we dont provide flight ticket from your home country to here you are going to work. you should handle your flight ticket yourself or You need to send fund to our company Travel agent which issue cheap ticket and we can arrange the ticket for you. then we can know time and where to pick you up with our company car.
Please we dont have so much time to waste we need applicant with passport,2X2 photo and other Document ready and they have the fund for there ticket ready then I can proceed with date and time of interview. If you pass the interview then You can send the fund to our travel agent for your flight ticket .its will be issued along with Insurance,Employment Contract, Letter of your apartment stay contracts.
Please read careful all this term and condition.if accepted then we can proceed to next condition of your employment.
Hope to hear from you.
For more information Please contact

Thanks

Biglang... bigla talaga...

Mga isang oras ko ring inisip kung ako ba'y sasagot o hindi. Sa huli, sumagot din ako.


Hindi rin natiis

Hanggang ngayon ay hindi pa ako sinasagot ni Binibining Joyce. Pinadala ko muli ang email ko kasama ang mga salitang ito:

Hello again.


It seemed you have not received my first message, so I am sending them to you once again.

Please reply soon.

Sa inyong palagay - totoo ba ang patalastas na ito?

Pahabol na tanong - nakakabastos ba ang sagot ko?

Saturday, July 25, 2009

Nakita Mo na Ba ang Resulta ng June 2009 Nursing Board Licensure Exam?

Pwes ako, nakita ko na. Lalo pa't nagmala-best actress award winner na drama ang nakababata kong kapatid.

Photoshopped yan. Natuwa lang ako masyado (At ang tema na gamit ko sa Firefox ay Foxkeh. Kanya-kanyang trip lang yan).

CONGRATULATIONS, R.N. YDA!!!



Salamat sa Philippine Daily Inquirer sa resulta.

Wednesday, July 22, 2009

Pasasayahin Mo Ba ang Mga Taong Ito?

Ang mga taong ito ay bumoto pabor sa ConAss. Sa kasamaang-palad, isa sa mga narito ay ang kongresistang ibinoto ko noong nakaraang eleksyon. Nagsilbi pa akong watcher para sa kanya dahil ako'y naniniwala sa kanya at sa kanyang mga pangarap para sa aming lungsod.

Ngayon, magwawatcher na ko para sa iba.

Ang Con-Asses - pisilin mo, baka lumaki.

Kung adik ka at gusto mo silang kilalanin nang tunay, eto ang mga pangalan ng mga taong magiging parte ng bangungot mo:

(Para naman tama ang pangalan na sinusumpa mo)

ABANTE, Bienvenido M., Manila; ABLAN, Roque R. Jr., Ilocos Norte; AGBAYANI, Victor Aguedo E., Pangasinan; AGYAO, Manuel S., Kalinga; ALBANO, Rodolfo T. (III), Isabela; ALFELOR, Felix R. Jr., Camarines Sur; ALMARIO, Thelma Z., Davao Or.; ALVAREZ, Antonio C., Palawan; ALVAREZ, Genaro Rafael M. Jr., Negros Occ.; AMANTE, Edelmiro A., Agusan del Norte; AMATONG, Rommel C., Compostela Valley; ANGPING, Maria Zenaida B., Manila; ANTONINO, Rodolfo W., Nueva Ecija; APOSTOL, Trinidad G., Leyte; AQUINO, Jose S. (II), Agusan del Norte; ARAGO, Maria Evita R., Laguna; ARBISON, Munir M., Sulu; ARENAS, Ma. Rachel J., Pangasinan; ARROYO, Diosdado M., Camarines Sur; ARROYO, Ignacio T., Negros Occ.; ARROYO, Juan Miguel M., Pampanga;

BAGATSING, Amado S., Manila; BALINDONG, Pangalian M., Lanao del Sur; BARZAGA, Elpidio F. Jr., Cavite; BAUTISTA, Franklin P., Davao del Sur; BELMONTE, Vicente F. Jr., Lanao del Norte; BICHARA, Al Francis C., Albay; BIRON, Ferjenel G., Iloilo; BONDOC, Anna York P., Pampanga; BONOAN-DAVID, Ma. Theresa B., Manila;
BRAVO, Narciso R. Jr., Masbate; BRIONES, Nicanor M., AGAP Party List; BUHAIN, Eileen Ermita, Batangas; BULUT, Elias C. Jr., Apayao;

CAGAS, Marc Douglas C. (IV), Davao del Sur; CAJAYON, Mary Mitzi L.; CAJES, Roberto C., Bohol; CARI, Carmen L., Leyte; CASTRO, Fredenil H., Capiz; CELESTE, Arthur F., Pangasinan; CERILLES, Antonio H., Zamboanga del Sur; CHATTO, Edgardo M., Bohol; CHONG, Glenn A., Biliran; CHUNGALAO, Solomon R., Ifugao; CLARETE, Marina P., Misamis Occ.; CODILLA, Eufrocino M. Sr., Leyte; COJUANGCO, Mark O., Pangasinan; COQUILLA, Teodulo M., Eastern Samar; CRISOLOGO, Vincent P., Quezon City; CUA, Junie E., Quirino; CUENCO, Antonio V., Cebu City;

DANGWA, Samuel M., Benguet; DATUMANONG, Simeon A., Maguindanao; DAYANGHIRANG, Nelson L., Davao Or.; DAZA, Nanette C., Quezon City; DAZA, Paul R., Northern Samar; DE GUZMAN, Del R., Marikina City; DEFENSOR, Arthur D. Sr., Iloilo; DEFENSOR, Matias V. Jr., Quezon City; DEL MAR, Raul V., Cebu City; DIASNES, Carlo Oliver D., Batanes; DIMAPORO, Abdullah D., Lanao del Norte; DOMOGAN, Mauricio G., Baguio; DUAVIT, Michael John R, Rizal; DUENAS, Henry M. Jr., Taguig; DUMARPA, Faysah Omaira M., Lanao del Sur; DUMPIT, Thomas L. Jr., La Union; DURANO, Ramon H. (IV), Cebu;

ECLEO, Glenda B., Dinagat Islands; EMANO, Yevgeny Vincente B., Misamis Or.; ENVERGA, Wilfrido Mark M., Quezon; ESTRELLA, Conrado M. (III), Pangasinan; ESTRELLA, Robert Raymundo M., ABONO Party List;

FERRER, Jeffrey P., Negros Occ.;

GARAY, Florencio C., Surigao del Sur; GARCIA, Albert S., Bataan; GARCIA, Pablo John F., Cebu; GARCIA, Pablo P., Cebu; GARCIA, Vincent J., Davao City; GARIN, Janette L., Iloilo;
GATCHALIAN, Rexlon T., Valenzuela City; GATLABAYAN, Angelito C., Antipolo City; GO, Arnulfo F., Sultan Kudarat; GONZALES, Aurelio D. Jr.; Pampanga; GONZALES, Raul T. Jr., Iloilo City; GULLAS, Eduardo R., Cebu; GUNIGUNDO, Magtanggol T., Valenzuela City;

HOFER, Dulce Ann K., Zamboanga Sibugay;

JAAFAR, Nur G., Tawi-Tawi; JALA, Adam Relson L., Bohol; JALOSJOS, Cesar G., Zamboanga del Norte; JALOSJOS-CARREON, Cecilia G., Zamboanga del Norte; JIKIRI, Yusop H., Sulu;

KHO, Antonio T., Masbate:

LABADLABAD, Rosendo S., Zamboanga del Norte; LACSON, Jose Carlos (V), Negros Occ.; LAGDAMEO, Antonio F. Jr., Davao del Norte; LAPUS, Jeci A., Tarlac; LAZATIN, Carmelo F., Pampanga; LIM, Reno G., Albay; LOPEZ, Jaime C., Manila;

MADRONA, Eleandro Jesus F., Romblon; MAGSAYSAY, Maria Milagros H., Zambales; MALAPITAN, Oscar G., Caloocan City; MAMBA, Manuel N., Cagayan; MANGUDADATU, Datu Pax S., Sultan Kudarat; MARANON, Alfredo D. (III), Negros Occ.; MATUGAS, Francisco T., Surigao del Norte; MENDOZA, Mark Leandro L., Batangas; MERCADO, Roger G., Southern Leyte; MIRAFLORES, Florencio T., Aklan;

NAVA, Joaquin Carlos Rahman A., Guimaras; NICOLAS, Reylina G., Bulacan; NOGRALES, Prospero C., Davao City;

OLAÑO, Arrel R., Davao del Norte; ONG, Emil L., Northern Samar; ORTEGA, Victor Francisco C., La Union;

PABLO, Ernesto C., APEC Party List; PANCHO, Pedro M., Bulacan; PANCRUDO, Candido P. Jr., Bukidnon; PICHAY, Philip A., Surigao del Sur; PIÑOL, Bernardo F. Jr., North Cotabato; PUNO, Roberto V., Antipolo City;

RAMIRO, Herminia M., Misamis Occ.; REMULLA, Jesus Crispin C., Cavite; REYES, Carmencita O., Marinduque; REYES, Victoria H., Batangas; ROBES, Arturo B., San Jose del Monte City; RODRIGUEZ-ZALDARRIAGA, Adelina, Rizal; ROMAN, Herminia B., Bataan;
ROMARATE, Guillermo A. Jr., Surigao del Norte; ROMUALDEZ, Ferdinand Martin G., Leyte; ROMUALDO, Pedro, Camiguin; ROMULO, Roman T., Pasig City; ROXAS, Jose Antonio F., Pasay City;

SALIMBANGON, Benhur, Cebu; SALVACION, Andres D. Jr., Leyte; SAN LUIS, Edgar S., Laguna; SANDOVAL, Alvin S., Malabon-Navotas; SANTIAGO, Joseph A., Catanduanes;
SANTIAGO, Narciso D. (III), ARC Party List; SEACHON-LANETE, Rizalina L., Masbate; SEARES-LUNA, Cecilia M., Abra; SILVERIO, Lorna C., Bulacan; SINGSON, Eric D., Ilocos Sur; SINGSON, Ronald V., Ilocos Sur; SOLIS, Jose G., Sorsogon; SOON-RUIZ, Nerissa Corazon, Cebu; SUAREZ, Danilo E., Quezon; SUSANO, Mary Ann L., Quezon City; SY-ALVARADO, Ma. Victoria R., Bulacan; SYJUCO, Judy J., Iloilo;

TALIÑO-MENDOZA, Emmylou J., North Cotabato; TAN, Sharee Ann T., Western Samar; TEODORO, Marcelino R., Marikina City; TEODORO, Monica Louise Prieto, Tarlac; TEVES, Pryde Henry A., Negros Or.; TUPAS, Neil C. Jr., Iloilo;

UNGAB, Isidro T., Davao City; UY, Edwin C., Isabela; UY, Reynaldo S., Western Samar; UY, Rolando A., Cagayan de Oro City;

VALDEZ, Edgar L., APEC Party List; VALENCIA, Rodolfo G., Or. Mindoro; VARGAS, Florencio L., Cagayan; VILLAFUERTE, Luis R., Camarines Sur; VILLAROSA, Ma. Amelita C., Occ. Mindoro; VIOLAGO, Joseph Gilbert F., Nueva Ecija;

YAP, Jose V., Tarlac; YU, Victor J., Zamboanga del Sur;

ZAMORA, Manuel E., Compostela Valley; and ZIALCITA, Eduardo C., Parañaque.



Salamat sa Philippine Star sa mga pangalang ito.

Friday, July 17, 2009

Kaya Mo Bang Bilhan ng Bra ang Girlfriend Mo?

Sa kwarto...

I: Siguro me breast cancer ako.
Pinoy: (titig na walang pakialam) Ketz?
I: (ngisi) Kasi sumasakit dibdib ko e.
Pinoy: (ikot ng mata) Baka naman kasi masikip bra mo.
I: Oo nga e. (isip ng matagal) Nasabi ko nga ke J e.

Ang Nobyo


Pinoy: Hn?
I: Nung sabi ko ke J na masakit dibdib ko, sabi nya baka magkakaroon na ko.

Ng maraming-maraming pera!


Pinoy: (tahimik na walang pakialam)
I: Sabi ko hindi, masikip lang bra ko. (ikot ng mata na nakangiting ewan) Sabi nya, "Gusto mo bilhan kita ng bra? Akina pera mo, dun ako sa nakita ko. Nagbebenta ng bra dun!"

Ahente ng bra


Pinoy: (tawa) Nyekerz!
I: (halakhak) Ewan ko ba dun! Sabi ko nga ang wirdo nya!
Pinoy: Sabog naman yang boyfriend mo. Usually matinding drama't iyakan kapag anything na ganyan, yung mapipilitang gawin ang stuff na hindi naman macho.
I: Yun nga e! Sabi ko, nge. Sabi nya, "Kesa naman ikaw. Lalake tindero nun, titingnan ka pa!" Sabi ko, malamang, tindero siya e!

Tindero


Pinoy: Naaano lang yun. Ayaw nya kasing me titingin sa boobs mo.

I: Ewan. Tapos sabi niya me underwear din daw dun, baka daw gusto ko.
Pinoy: Kulit. (tawa)

Eto rin ang nobyo na bumibili ng sanitary napkin para sa kanya kapag siya'y nauubusan. At kung titigan mo ng matagal ang lalaking 'to, makikita mong tila wala talaga itong malay sa mga ganitong bagay. Palibhasa kasi, sanay sa ina - kabilang siya sa pamilya ng mga kalalakihan at namumukod-tanging rosas ang kanyang ina. Walang hiya-hiya, walang ilang-ilang.

Ikaw, kaya mo yun?

Thursday, July 9, 2009

Gaano Kakapal ang Mukha Mo

Sa ibang tao, me sagot na kaagad yan - Imeldific. Sa palagay ko ay wala nang tatalo dyan. Kahit Guinness, hindi kinaya.

Wala na talaga.

Nagkaroon ng bonggang selebrasyon ng kanyang kaarawan si Imelda Marcos sa kabila ng "pagdarahop" noong nakaraang July 2. Masaya ako para sa kanya dahil mayroon siyang mga mayayamang amigo at amiga na handang gumastos ng milyones upang mapasaya siya sa araw ng kanyang kaarawan.

Gusto ko nung friends nya...

Sana yung mga amigo at amiga niya ay handa ring gumastos ng ganoong kalaki upang mapasaya ang taong-bayan. Isang paraan ay ang pagbibili ng one-way airplane ticket upang ilipad si Imelda sa Guantanamo Bay Prison ng Cuba. Maangas ang facilities dito - sagot pa ng gobyerno ang lahat ng problemang medikal ng mga residente nito (nakakalungkot lang isipin na saksakan ng walang kwenta ang health care ng Amerika samantalang ang mga preso nila ay winners for life - sarap maging terorista!) . O sa Alcatraz. O para me kurot sa puso, sa Hawaii! Nakikini-kinita ko na - ang sayang pamasko nun.

Tara na, biyahe tayo!

Sa piging na ito ay nagkaroon ng sharing at testifying na animo'y prayer meeting ang dinaluhan ng mga miyembro ng Beautiful Church of Imelda. Palaparan ng papel at pabonggahan ng costume ang drama ng mga guests - at paramihan ng mga papuring maibibigkas ukol sa birthday girl nang hindi umaabot sa pisikal na katawan ang pagsunog ng kanilang mga kaluluwa.

Maaamoy sa ilalim ng mga mamahaling pabango ang amoy ng usok. Hindi ito dahil sa pagluluto.

Nakakabastos ang pangyayaring ito. Pano't nagagawa nila magpakasasa sa ganyang kayamanan at kagarbuhan sa pagitan ng mga naghihirap at nagugutom nating mga kababayan? Ganyan ba ang may simpatiya sa mga mahihirap? Ganyan ba ang nakakaunawa? Sa bawat pagkita ko sa interior ng Sofitel Hotel, tila isa akong pilay na nilapitan ng isang sikat na mananayaw at pinamukhaan ng mga bagay na di ko kayang tamasain.

"Ay, pilay ka? Wawa ka naman. Eto o, ang galing kong sumayaw! Do you know I can do jazz and fandango at the same time? Nakakainggit no?"

Napakadali
talagang sabihin na nasa puso mo ang mahihirap. Napakadali ring kumain ng caviar at uminom ng Dom Perignon habang sinasabi ang makapagbagbag-damdamin at makatulo-uhog na mga katagang ito. Napakatamis, pinapapak na ko ng mga langgam sa gigil.

Lapain nawa ng mga langgam ang matatamis nilang mga dila.

Imeldific. Ibang level na talaga si Imelda - isa na siyang adjective. Ibang-iba talaga ang tigas ng mukha niya.

Kahit konkreto, hindi makapalag.

Ikaw, gaano kakapal mukha mo?

Wednesday, July 8, 2009

Ano ang Magandang Parusa sa mga Hindi Marunong Magbasa?

Kanina ay nasa sakayan ako ng bus malapit sa MRT North Station at nagngingitngit sa galit habang pinagmamasdan ang mga kasama kong pasahero. Umuulan noon at maputik ang daan - isa sa maraming bagay sa mundo na ayaw ko ay ulan. Isa pa ay ang nababasa ang aking mga paa. Sa kasamaang-palad, kapag naroon ang una ay naroon rin ang ikalawa.

Hayup kayo.

Naroon nga ako sa me sakayan ng bus, nakakulong sa mala-rosas na bakal na pumapalibot sa kahabaan mula MRT station hanggang SM North, naghihintay sa ilalim ng rosas na plake na me pangalang Malanday. Dapat sana ay tatawid ako papunta sa isa pang sakayan - na siya talagang nararapat na hintuan ng mga bus pa-Malanday at Malinta - nguni't walang mga bus na humihinto roon. Nalaman ko na WALA na talagang humihinto roon - sabi sa isang munting electronic na signboard roon, ERR.

To err is MMDA. Lintek na pink.

Nagmimistulang epal tuloy sa kalsada ang sakayan na ito. At tambayan ng nag-iisang pulis na nagmamatyag kunwari sa hintuan ng bus.

At kumakanta.

Inis na inis ako tuwing humihinto ang mga bus na me plakeng Navotas o UE Letre o Monumento sa tapat ko - sa ilalim ng Malanday ako naghihintay, ibig sabihin hindi ako sasakay sa bus nila at hindi rin sasakay roon ang mga kasama kong naghihintay. Mahirap bang intindihin at sundin yun?

Oo, mahirap. Ubod-sakit sa pantog na hirap.

Lalo akong naiinis kapag humihinto ang mga bus na ito at may sumasakay - anak ng, yung plake nyo, sa ibang lugar!

Plaque

Halos magkakalahating-oras din akong naghintay dahil kapag umaabot na sa akin ang tamang bus, standing room only na lamang. Bakit? Kasi yung mga sasakay papuntang Malanday ay nag-aabang sa harap kung saan hindi naman dapat. Lintek, kung unahan rin lang ang laban, anupa't gumawa pa ng dalawang hintuan ng bus - na yung isa e hindi naman hinihintuan - na may mga plake kung saan ka maghihintay base sa destinasyon mo at may nagmamatyag na pulis kung hindi rin lang ito susundin ng mga tao?

Pero pag eto, biglang masusunurin.

Kanina ay iniisip ko na napakasaya kung bubulagin ang mga taong ito gayong hindi naman nila ginagamit ang kanilang paningin sa pagbabasa. Nakakatuwa rin marahil na pilayan ang mga tumatawid sa mga maling tawiran dahil sa paggamit ng paa kung saan naman hindi dapat. At yung mga tamad na pulis naman ay balian ng likod para hindi na sila makagalaw dahil yun naman ang nais nila.

Isa tayong bayan ng mga pasaway, ahihihi!

Ansakit talaga sa ulo ng pagiging Pilipino. Tila isa siyang requirement ng pagka-Pinoy - dapat di ka marunong magbasa ng batas pantrapiko o kahit anupamang me bawal o pakiusap at iba pa.

(At kung maaari lang sana, tanggalin na lang yang wire fences na yan gayong wala namang silbi. Bwiset.)

Unless manukan ang bagong gimik ni Bayani. Pagbigyan.

Kayo? Marunong ba kayong magbasa? Anong parusa ang ibibigay nyo sa ating mga kababayang di pa kaya basahin ang ABNKKBSNPLKo ni Bob Ong?

Poor you.

At kelan ba tayo matututong sumunod?

Sunday, July 5, 2009

Kilala Mo Pa Ba ang mga Kaibigan Mo Noong Elementarya?

Hinahanap ko kahapon ang isa sa aking mga certificate sa aming mala-bodegang mini-library nang aksidenteng sumagi ang aking antok na mga mata sa luma kong mga drawers.

Aray...

Naalala ko na ilang taon ko nang hindi ito ginagalaw, at naroon ang kaba sa aking dibdib na, katulad ng isa kong tokador na hindi ko pinakialaman sa loob ng mahabang panahon, ang mga laman nito ay puno na ng mga insekto, amag, at mga nilalang na kumakain ng katawan at alaala.

AAAAAAHHHH!!!

Pinagpaliban ko ang pagkalikot nito hangga't ako'y makapananghalian at makapaligo. Pagkatapos ay daglian kong binuksan ang drawer, at bumungad sa akin ang isang koleksyon - koleksyon ng mga sulat nang ako'y isa pang inosente na palakaibigan at nagtitiwala pa sa ubod-lakas na kapangyarihan ng pagkakaibigan.

Katulad ng mga kumag na 'to.

Binasa ko ang iba at napangiti. Binasa ko ang ilan at napakamot ng ulo. Ang iba'y nagbigay sa akin ng palaisipan: sino ang mga taong ito?

Ang panahon ng ating kamusmusan ay puno ng mga pagkakaibigan na madaling mabuo at madali ring mawala. Tinatawag nating best friend ang mag-abot sa atin ng lapis, at tinatawag naman nating kaaway ang kumuha ng huling pad paper mula sa kaklaseng hinihingian natin nito. Minsan pa'y gumagawa tayo ng barkadahan at naghahanap ng ibang barkadahan na tatawagin nating mortal na kaaway.

Me isa dito!

Naaalala ko pa ang mga panahong sinusundan at pinagtataguan namin ang ilan sa mga kaaway na ito. Tinatawag namin itong pagmamanman sa kilos ng kaaway. Minsan pa'y may lookout na nagmamatyag kung me kaaway na dadaan, at kami na mga naghihintay ay iiwas sa daan na ito o tatambay at aatakihin ang sawimpalad na nilalang na ito sa pamamagitan ng ubod sakit na pagpaparinig.

Alam nyo ba, sisters, balita ko si ano mahilig sa kuwan! Eeeeee! Ayun sya o!

May mga ilang pagkakataon na nagiging pisikal ang mga engkwentrong ito. Ngayong inaalala ko ang mga ito, napagtanto kong nakakatawa pala ang mga pangyayaring iyon. Bukod pa dun, naaalala ko rin na ang ilan sa mga binansagan naming "kaaway" ay naging kaibigan din naman nang hindi maglaon. At ang ibang kaibigan ay naging mga "kaaway."

Ganyan talaga pag nasa elementarya pa - andaling magpalit ng kaibigan. Isang kindat, isang patid, isang kurot, isang ngiti - isang salita lang ay maaari kayong maging magkaibigan o magkaaway. Sa elementarya, ang mga katagang "Friends Forever" ay panandalian lamang - katulad ng panahon ng ating kamusmusan, ang pagiging matalik na magkaibigan sa panahong ito ay panandalian lamang.

Friends Forever

Sa mga naging kaibigan ko noong elementarya, ilan lamang sa kanila ang nananatiling mga kaibigan ko hanggang sa ngayon. High school pa lamang ay nawala na ang karamihan, at mas lalong kumonti nang lahat kami'y magkolehiyo. Ngayong kami'y mga propesyonal na, mabibilang lamang sa aking mga kamay kung ilan ang matatawag kong mga tunay na kaibigan.

Yiki, twelve friends nya!

Bagama't kakaunti, ang kagandahan ng post-elementary friendship ay ang katotohanan na ang mga kasama mo ngayon ay mga tunay at pangmatagalan. Sa kanila, ang katagang "Friends Forever" ay hindi kataga lamang - ang mga katagang ito'y totoo dahil mismo sa kanila.

Habang tumatagal ay lalong sumasar- er, sumasaya?

Naisip ko lang - sana ang mga kaibigan noong elementarya na pinangakuan ko ng habambuhay na pagkakaibigan ay mga kasama ko pa hanggang sa ngayon. Or at least, mga kilala ko pa.

Hi... friends?

Kapag nakita mo ang mga dati mong kaibigan, makikilala mo pa ba sila? Nanaisin mo bang ibalik ang inyong naputol na pagkakaibigan?