Freelance Jobs

Tuesday, June 30, 2009

Ano ang Gagawin Mo Pag Nakita Mo si Santino?

Para sa mga hindi pa nya nabibiktima, si Santino ang batang nagbibida sa palabas na May Bukas Pa. Ang palabas na ito ay naglalayong ipakita sa mga manonood ang pakikipagsapalaran ng isang batang milagroso na nagngangalang Santino.

Santino, naghihimala

Si Santino ay inampon ng mga pari at lumaki sa simbahan. Nakakapagpagaling sya at yun ay dahil kay Bro, ang paborito nyang kakulitan. Si Bro ay kalimitang nakikitang nakaputing off-shoulder na pananamit. Siya rin ay kadalasang nakatalikod at hindi pa nakikita ang kanyang mukha, katulad ni Big Brother.

Ang litratong ito ay kinunan ni Bro.



Hindi ko nasimulan ang palabas na ito at bihira ko lang ito mapanood. Gayunpaman, natutuwa ako sa konsepto ng palabas na ito. Minsan nga lang (sige, kadalasan), napapakamot ang ulo ko dahil masyadong nagtitiwala ang mga tinuturing na matatanda sa isang bata.

Hindi ko naman sinasabing masamang gawain ito. Ang akin lamang, sinong tao sa tamang katinuan ang magbabahagi ng kanyang problema tungkol sa kanyang amang Intsik (eto pa - stereotyping! hind na namin ginagawa yan!) na nais syang ipakasal sa isang lalaking hindi nya iniibig dahil lamang sa negosyo, sa isang bata na laging nakatingala na animo'y walang down function ang kanyang leeg at me mala-Bambi na mata? Naiintindihan ko na minsan talaga ay nais nating magbawas ng sama ng loob pero... sa isang bata?

Sasabihin mo sa akin ang lahat ng problema mo...

Minsan pa ay nalulungkot ako para sa mga pari. Kaawa-awa, talo sila ng isang bata. Kumbaga, Santino is the answer.

At least nakaputi kami. Na bestida. At katabi si Dina Bonnevie.

Gayunpaman, pinapanood ko ito pagnatatapat ako sa palabas na ito. At naisip ko - kung magkita kami ni Santino, ano ang gagawin ko?



Karamihan ng mga lumalapit sa batang ito ay may mga problema. Ang pinakamabigat kong problema ngayon ay ang kawalan ng trabaho. Isa pa sa mga alalalahanin ko ay ang aking sipon at trangkaso na nakaraang linggo ko pa nararamdaman (hindi to swine flu dahil hindi ako baboy). Hindi rin mawawala ang pag-aalala kung san makakakuha ng pera.

Maaari akong magpagaling ke Santino. Pero pano ang trabaho? Lalapitan ko ba si Santino ukol sa bagay na ito? Tatanungin ko ba sya kung papaano mawawala ang kahirapan sa Pilipinas? Hihingi ba ko ng opinyon kung saan maganda mag-invest ngayon? Kung saan madaling makakuha ng trabaho?

Este iho, usapan ng mga matatanda ito... pwede dun ka muna sa kwarto mo? Pero kung me secret offshore account ka, hintayin mo ko onti ha?

Alam ko sa sarili ko na, bagama't gusto kong umarteng mabait sa mga bata, itataboy ko si Santino 'pag ako'y naglalabas ng sama ng loob sa mga pari (hindi ako Katoliko, eto lamang ang gagawin ko kung ako'y parte ng palabas na iyon) at nakita ko syang nakatayo sa may gilid habang nakangiti. Isa pa, tititigan ko sya ng masama dahil ayaw ko sa mga batang animo'y tambay ng asukarera sa ka-hyperan. Malamang din ay pasaringan ko ang mga pari sa pagpapalaki ng isang batang mahilig sumabat sa usapan at isyu ng nakatatanda.

Malamang sa malamang pala ay maging kontrabida ako sa buhay ni Santino.

Ako, nakikipagkaibigan ke Santino



Ikaw, ano ang gagawin mo kung magkita kayo ni Santino? Anong problema ang sasabihin mo? Sasabihin mo ba?

4 comments:

  1. this is a great show!...

    para lalo mamulat/magising ang mga kabataan pati narin ang mga matatanda...
    sa kabutihan at pagasa...
    at mapalapit sa Maykapal...

    [^^,]


    ano gagawin ko?...
    magtatanong ako...
    "anong sikreto para maging superclose kami ni Bro?..."...hehe

    ReplyDelete
  2. "ang iyong pagdaramdam, idalangin mo sa Maykapal..♫♪..."hehe...[^^,]

    wag na kay santino...
    idiretso na sa Kanya...

    ReplyDelete
  3. Aww, ang cute naman ng gagawin mo! ^_^\m/ Saludo ako, mehn!

    ReplyDelete
  4. At tama - diretso na lamang sa Kanya, a'ight?

    ReplyDelete