Freelance Jobs

Monday, June 29, 2009

Bakit 20 + 100 + 210 ay 175?

Naaalala ko ang Biyernes na yun - matindi ang sikat ng araw at lumalangoy sa pawis ang aking pagkatao. Lumalangoy rin sa apoy ng impiyerno ang aking kaluluwa dahil sa dire-diretsong pagmumura na nira-rap ng utak ko.

Pwede pala akong maging rapper. Angas ko talaga.

Noon pa man ay namumuhi ako sa araw. Masakit sa mata ko ang sobrang liwanag, at masakit sa tenga ng iba ang latay ng aking dila habang inaanunsyo ko sa mundo na kinamumuhian ko ang init nito. Sa pagitan ng araw at ulan, ulan ang pipiliin ko. Muhi rin ako sa ulan pero mas namumuhi ako sa araw.

In other words, the sun can burn in hell.

Gayunpaman, ako'y lumabas nung napakamaaraw na Biyernes na yun upang kumuha ng Postal ID. Isa sya sa mga Valid IDs na tinatanggap ng mga establisyamento gayong walang silbi ang ID na ito, ayon sa mga natanong ko. Ang sigurado ako, mabilis maproseso ito sa napakababang halaga na Php 175.

Buti na lang alam kong ang Filipino Time e me katapat din sa pera - ang Filipino Math.



Kumuha ako ng Barangay Clearance dahil isa ito sa mga kailangan upang ako'y makakuha ng Postal ID. Dahil sa kasamaan ng kaaway kong araw, gayun na lamang ang aking galak ng ako'y pumasok sa de-aircon na opisina ng aming barangay hall - halos mahalay ang aking buntong-hininga nguni't di ko pinansin ang mga kababaihan na napatingin sa 'kin ng me halong suspetsa at pag-iwas. Nakuha ko agad ang aking pakay mula sa isang babae na kilala ang aking ina - bago pa nun, pinabayaran nya ko ng Php 20 para sa sedula na, ayun sa resibo, ay nagkakahalagang Php 16.80.

Masasabi kong hindi tayo magaling sa decimal numbers.



Dahil meron na akong litrato (na ni-Photoshop pa - di ko alam kung ako'y matutuwa sa ekstrang serbisyo o maiinsulto), pumunta ako sa Post Office. Pagkatapos na ipaalam sa halos lahat ng mga tao roon na eksperto ako sa direksyon (kanan? eto ba *turo sa kaliwa*), ako'y napaharap na sa babaeng nagtatago sa likod ng salamin (at plastic cover pag ayaw nyang humarap sa tao). Pagkatapos bigyan ng dalawang pirasong papel, tinuro nya ko sa isang matandang lalaking nakatayo sa likuran ko upang hingan ng tulong.

Dinala ako ng lalaki sa tambayan nila ng mga kasama nyang kartero. Pinahiram nya ko ng ballpen at umupo sya sa tabi ko habang ako'y nagfifill-up. Tinuro nya sa kin ang mga dapat kong sulatan at, pagkatapos, iniabot ko sa kanya ang mga papel at sya's nagsulat ng impormasyon dun na nilagay ko na. Pumirma rin sya bilang witness sa pagfill-up ko. Pagkatapos kong magpasalamat, sinabi nya sa kin na me fee na Php 20.

Huh, naisip ko. Sabagay, nabagot sya habang pinapanood nya ko, at mukhang naipitan sya ng ugat sa pagpirma nya. Isa pa, witness sya. Baka kung anong mangyari sa kanya kung wala akong maibigay.

Nag-abot ako ng bente at tinuro nya sa kin kung san susunod.



Mga ilang minuto ng pagtatanga, lumapit ako sa babaeng nakaupo sa tapat ng inuupuan ko na masayang nakaupo at ngumingiti sa kawalan. Hiningan nya ko ng litrato at inabot ko sa kanya ito. Binasa nya ang impormasyon ko at sinulat iyon sa isang malaking kwaderno. Pagkatapos, tinatakan nya ang dalawa kong papel. Sinabi nya sa kin na meron akong ibabayad sa kanyang notary fee na nagkakahalagang Php 100.

Eng? naisip ko. Hmm, mukhang tumagtaktak ang pawis nya sa paglipat ng mga pahina ng malaking kwadernong yun. At malamang, sya ang nagrerefill ng ink sa pantatak na ginamit nya. Tsaka isa pa, ang hirap atang magtatak ng swak sa kahon ng isang form! Isa ata itong siyensya na dapat nyang maiperfect sa kolehiyo!

Nag-abot ako ng isandaan at tinuro nya sa kin kung san ako susunod.



Bumalik ako sa babaeng nagtatago sa likod ng salamin. Inabot ko sa kanya ang mga papel at habang nichecheck ang impormasyon ko, binanggit nya sa kin ang katagang Tu Ten. Ha? ani ko. Inulit nya. Two hundred ten pesos. Php 210.

Pagkatapos ay inisplika nya sa kin ang lahat. Ang Php 175 ay para sa Postal ID. Php 15 ang palaminate. Ang document stamp naman ay Php 20. Pagkatapos ay nakangiti nyang sinabi sa kin na makukuha ko sa Lunes ang ID ko at nakangiti rin nyang inabot ang aking resibo para sa Postal ID na nagkakahalagang Php 175.

Nakangiti ko itong tinanggap.

Ang galing. Php 175 nga!



Naknangputsa. Ako lang ba o mahina talaga tayo sa Math?



Isa pa. Bakit ba ang init ng araw?

9 comments:

  1. sino ang may sabing mahina ang mga Pinoy sa math? magaling nga tayo diyan e. lalo na sa tinatawag nilang "stealth math".

    hello, garci?

    haha

    ReplyDelete
  2. sana me contributors ka din. :P

    ReplyDelete
  3. Haha, asteeg yun a! Stealth Math!

    (andami nating Math, in fairness~)

    Malamang graduate nyan si Garci. Pwedeng sya rin nagturo nyan. Maaari ring si PGMA ang maestra nyan! Mga ekonomista talaga...

    ReplyDelete
  4. Magvovolunteer ka? :D Asteeg yun, sabihin mo lang!

    ReplyDelete
  5. ^ suggestment lang. :)) pero, sige tingnan natin. pero good luck ung x-rated blog ko nga di ko ma-update eh. asaness. :))

    ReplyDelete
  6. Nuk. Hintayin ko na lang. XD

    Sows. Basta update lang pag me time. Inaabangan ko pa ang Country songs ko. XDD

    ReplyDelete
  7. astig! mejo malabo sa umpisa kung paano nangyari pero nadale ko rin sa bandang hule hehe!

    ReplyDelete
  8. Haha, salamat! XD

    (Iba talaga ang Pinoy Math, ano?)

    ReplyDelete
  9. dapat hiningan mo sila ng resibo kada hingi nila syo haha/

    ReplyDelete