Para sa 50% mamamayan ng Internet na pamilyar rito, ito ay nakakatawa. Para sa 45% online tambay na madalas itong makita, ito ay nakakaasar at nakakapikon sa kapalpakang itinuturo nito. Para sa natitirang 5% na ngayon pa lamang ito nakita - katulad ng aking kuya - ang oras ng inyong paglaya mula sa lunggang inyong kinasasadlakan ay nalalapit na.
Ang lolcat ay isa sa naging paksang pinag-usapan namin ng aking matalik na kaibigan (pulitika at ang mga kasulukuyang pangyayari ang pinakamatinding paksa). Sa katuwaan ng aming talakayan kanina, naisipan kong ipagsama ang dalawa at gumawa ng bersyon ng lolcat na matatawag na sariling atin.
Bakit? Sapagkat hindi tayo dapat nagpapatalo.
Itinatawag ko itong lolGMA, hango na rin sa salitang lol na dinugtungan ng GMA, o Gloria Macapagal-Arroyo.
(i-click upang lumaki ang maliit)
Ano ang masasabi mo sa lolcat?
E sa lolGMA?
huy. mag-update ka naman dito! XD
ReplyDeleteHaha. Sorry 'aman. XD
ReplyDeleteNice word for the day, "LOLCAT" haha
ReplyDeleteHaha! New word!
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete