Freelance Jobs

Friday, July 31, 2009

Totoo Ba ang Job Ad na Ito?

Kahapon ay nakatanggap ako ng isang alerto mula sa kaibigan ng sangkatauhang naghahanap ng trabaho - si LiNa ng Jobstreet.

Hi na din ke Joey Lina

Ang subject line pa lamang ay nakakapagtaka na. Nguni't naisip ko - kung ang paborito ko ngang dyaryo ay nagkakamali, paano pa kaya si LiNa na isang programa lamang?

Programa lang ako, nagkakamali din!

Pagkaclick ng link ay dinirekta ako rito. Ganun na lamang ang pagtataka ko pagkabasa nito - ito na marahil ang pinaka... kakaibang job ad na aking nakita. Sa pagtataka ay nag-apply ako - gusto kong magturo at gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang deal sa patalastas na ito. Naisip ko rin, maaari ring nagmamadali lamang ang gumawa ng ad na ito. Hindi ba't magandang magbigay ng ikalawang pagkakataon?


O, wag ka na mag-ikatlo! Kulit talaga ng lahi o...

Isa pa, ngayon ko lang nakita ang salitang educatorist. Kaya curious talaga ako.


Buti pa si Google

Laking bigla ko nang matanggap ko agad ang sagot na ito sa aking inbox:
Dear Sir/Madam
We are Travel and Tour Education specalist That embark on teaching childern english and tour guide.We dont have office in your country manila or Philiphines. We are aboard company that need Education teachers urgently for the following countries where our branches are and you will start to work once you arrive there after 1 month tranining.
We are offering oversea employment opportunities in our company:
Europe: Armenia, Azerbaijan, Georgia
North America: Costa Rica, Dominica, Haiti
South America: Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, Peru
ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam
Non-ASEAN: Hong Kong, Macau, Maldives, Mongolia, Nepal, Sri Lanka
Please we dont have must time and we need applicant to be here in any of the choosen country before August 10.After you have read the mail and you accept all the term and condition then we are going to issue an interview date and time on phone or online.
We provide the following for our coming fresh staffs
1.Salary---- $2500--$4000 depend on your ability
2.Apartment for free
3.Insurance for 2 year working contract --$1000
4.Working Visa ---- $1000
5.Allowance weekly---$500
Please we dont provide flight ticket from your home country to here you are going to work. you should handle your flight ticket yourself or You need to send fund to our company Travel agent which issue cheap ticket and we can arrange the ticket for you. then we can know time and where to pick you up with our company car.
Please we dont have so much time to waste we need applicant with passport,2X2 photo and other Document ready and they have the fund for there ticket ready then I can proceed with date and time of interview. If you pass the interview then You can send the fund to our travel agent for your flight ticket .its will be issued along with Insurance,Employment Contract, Letter of your apartment stay contracts.
Please read careful all this term and condition.if accepted then we can proceed to next condition of your employment.
Hope to hear from you.
For more information Please contact

Thanks

Biglang... bigla talaga...

Mga isang oras ko ring inisip kung ako ba'y sasagot o hindi. Sa huli, sumagot din ako.


Hindi rin natiis

Hanggang ngayon ay hindi pa ako sinasagot ni Binibining Joyce. Pinadala ko muli ang email ko kasama ang mga salitang ito:

Hello again.


It seemed you have not received my first message, so I am sending them to you once again.

Please reply soon.

Sa inyong palagay - totoo ba ang patalastas na ito?

Pahabol na tanong - nakakabastos ba ang sagot ko?

Saturday, July 25, 2009

Nakita Mo na Ba ang Resulta ng June 2009 Nursing Board Licensure Exam?

Pwes ako, nakita ko na. Lalo pa't nagmala-best actress award winner na drama ang nakababata kong kapatid.

Photoshopped yan. Natuwa lang ako masyado (At ang tema na gamit ko sa Firefox ay Foxkeh. Kanya-kanyang trip lang yan).

CONGRATULATIONS, R.N. YDA!!!



Salamat sa Philippine Daily Inquirer sa resulta.

Wednesday, July 22, 2009

Pasasayahin Mo Ba ang Mga Taong Ito?

Ang mga taong ito ay bumoto pabor sa ConAss. Sa kasamaang-palad, isa sa mga narito ay ang kongresistang ibinoto ko noong nakaraang eleksyon. Nagsilbi pa akong watcher para sa kanya dahil ako'y naniniwala sa kanya at sa kanyang mga pangarap para sa aming lungsod.

Ngayon, magwawatcher na ko para sa iba.

Ang Con-Asses - pisilin mo, baka lumaki.

Kung adik ka at gusto mo silang kilalanin nang tunay, eto ang mga pangalan ng mga taong magiging parte ng bangungot mo:

(Para naman tama ang pangalan na sinusumpa mo)

ABANTE, Bienvenido M., Manila; ABLAN, Roque R. Jr., Ilocos Norte; AGBAYANI, Victor Aguedo E., Pangasinan; AGYAO, Manuel S., Kalinga; ALBANO, Rodolfo T. (III), Isabela; ALFELOR, Felix R. Jr., Camarines Sur; ALMARIO, Thelma Z., Davao Or.; ALVAREZ, Antonio C., Palawan; ALVAREZ, Genaro Rafael M. Jr., Negros Occ.; AMANTE, Edelmiro A., Agusan del Norte; AMATONG, Rommel C., Compostela Valley; ANGPING, Maria Zenaida B., Manila; ANTONINO, Rodolfo W., Nueva Ecija; APOSTOL, Trinidad G., Leyte; AQUINO, Jose S. (II), Agusan del Norte; ARAGO, Maria Evita R., Laguna; ARBISON, Munir M., Sulu; ARENAS, Ma. Rachel J., Pangasinan; ARROYO, Diosdado M., Camarines Sur; ARROYO, Ignacio T., Negros Occ.; ARROYO, Juan Miguel M., Pampanga;

BAGATSING, Amado S., Manila; BALINDONG, Pangalian M., Lanao del Sur; BARZAGA, Elpidio F. Jr., Cavite; BAUTISTA, Franklin P., Davao del Sur; BELMONTE, Vicente F. Jr., Lanao del Norte; BICHARA, Al Francis C., Albay; BIRON, Ferjenel G., Iloilo; BONDOC, Anna York P., Pampanga; BONOAN-DAVID, Ma. Theresa B., Manila;
BRAVO, Narciso R. Jr., Masbate; BRIONES, Nicanor M., AGAP Party List; BUHAIN, Eileen Ermita, Batangas; BULUT, Elias C. Jr., Apayao;

CAGAS, Marc Douglas C. (IV), Davao del Sur; CAJAYON, Mary Mitzi L.; CAJES, Roberto C., Bohol; CARI, Carmen L., Leyte; CASTRO, Fredenil H., Capiz; CELESTE, Arthur F., Pangasinan; CERILLES, Antonio H., Zamboanga del Sur; CHATTO, Edgardo M., Bohol; CHONG, Glenn A., Biliran; CHUNGALAO, Solomon R., Ifugao; CLARETE, Marina P., Misamis Occ.; CODILLA, Eufrocino M. Sr., Leyte; COJUANGCO, Mark O., Pangasinan; COQUILLA, Teodulo M., Eastern Samar; CRISOLOGO, Vincent P., Quezon City; CUA, Junie E., Quirino; CUENCO, Antonio V., Cebu City;

DANGWA, Samuel M., Benguet; DATUMANONG, Simeon A., Maguindanao; DAYANGHIRANG, Nelson L., Davao Or.; DAZA, Nanette C., Quezon City; DAZA, Paul R., Northern Samar; DE GUZMAN, Del R., Marikina City; DEFENSOR, Arthur D. Sr., Iloilo; DEFENSOR, Matias V. Jr., Quezon City; DEL MAR, Raul V., Cebu City; DIASNES, Carlo Oliver D., Batanes; DIMAPORO, Abdullah D., Lanao del Norte; DOMOGAN, Mauricio G., Baguio; DUAVIT, Michael John R, Rizal; DUENAS, Henry M. Jr., Taguig; DUMARPA, Faysah Omaira M., Lanao del Sur; DUMPIT, Thomas L. Jr., La Union; DURANO, Ramon H. (IV), Cebu;

ECLEO, Glenda B., Dinagat Islands; EMANO, Yevgeny Vincente B., Misamis Or.; ENVERGA, Wilfrido Mark M., Quezon; ESTRELLA, Conrado M. (III), Pangasinan; ESTRELLA, Robert Raymundo M., ABONO Party List;

FERRER, Jeffrey P., Negros Occ.;

GARAY, Florencio C., Surigao del Sur; GARCIA, Albert S., Bataan; GARCIA, Pablo John F., Cebu; GARCIA, Pablo P., Cebu; GARCIA, Vincent J., Davao City; GARIN, Janette L., Iloilo;
GATCHALIAN, Rexlon T., Valenzuela City; GATLABAYAN, Angelito C., Antipolo City; GO, Arnulfo F., Sultan Kudarat; GONZALES, Aurelio D. Jr.; Pampanga; GONZALES, Raul T. Jr., Iloilo City; GULLAS, Eduardo R., Cebu; GUNIGUNDO, Magtanggol T., Valenzuela City;

HOFER, Dulce Ann K., Zamboanga Sibugay;

JAAFAR, Nur G., Tawi-Tawi; JALA, Adam Relson L., Bohol; JALOSJOS, Cesar G., Zamboanga del Norte; JALOSJOS-CARREON, Cecilia G., Zamboanga del Norte; JIKIRI, Yusop H., Sulu;

KHO, Antonio T., Masbate:

LABADLABAD, Rosendo S., Zamboanga del Norte; LACSON, Jose Carlos (V), Negros Occ.; LAGDAMEO, Antonio F. Jr., Davao del Norte; LAPUS, Jeci A., Tarlac; LAZATIN, Carmelo F., Pampanga; LIM, Reno G., Albay; LOPEZ, Jaime C., Manila;

MADRONA, Eleandro Jesus F., Romblon; MAGSAYSAY, Maria Milagros H., Zambales; MALAPITAN, Oscar G., Caloocan City; MAMBA, Manuel N., Cagayan; MANGUDADATU, Datu Pax S., Sultan Kudarat; MARANON, Alfredo D. (III), Negros Occ.; MATUGAS, Francisco T., Surigao del Norte; MENDOZA, Mark Leandro L., Batangas; MERCADO, Roger G., Southern Leyte; MIRAFLORES, Florencio T., Aklan;

NAVA, Joaquin Carlos Rahman A., Guimaras; NICOLAS, Reylina G., Bulacan; NOGRALES, Prospero C., Davao City;

OLAÑO, Arrel R., Davao del Norte; ONG, Emil L., Northern Samar; ORTEGA, Victor Francisco C., La Union;

PABLO, Ernesto C., APEC Party List; PANCHO, Pedro M., Bulacan; PANCRUDO, Candido P. Jr., Bukidnon; PICHAY, Philip A., Surigao del Sur; PIÑOL, Bernardo F. Jr., North Cotabato; PUNO, Roberto V., Antipolo City;

RAMIRO, Herminia M., Misamis Occ.; REMULLA, Jesus Crispin C., Cavite; REYES, Carmencita O., Marinduque; REYES, Victoria H., Batangas; ROBES, Arturo B., San Jose del Monte City; RODRIGUEZ-ZALDARRIAGA, Adelina, Rizal; ROMAN, Herminia B., Bataan;
ROMARATE, Guillermo A. Jr., Surigao del Norte; ROMUALDEZ, Ferdinand Martin G., Leyte; ROMUALDO, Pedro, Camiguin; ROMULO, Roman T., Pasig City; ROXAS, Jose Antonio F., Pasay City;

SALIMBANGON, Benhur, Cebu; SALVACION, Andres D. Jr., Leyte; SAN LUIS, Edgar S., Laguna; SANDOVAL, Alvin S., Malabon-Navotas; SANTIAGO, Joseph A., Catanduanes;
SANTIAGO, Narciso D. (III), ARC Party List; SEACHON-LANETE, Rizalina L., Masbate; SEARES-LUNA, Cecilia M., Abra; SILVERIO, Lorna C., Bulacan; SINGSON, Eric D., Ilocos Sur; SINGSON, Ronald V., Ilocos Sur; SOLIS, Jose G., Sorsogon; SOON-RUIZ, Nerissa Corazon, Cebu; SUAREZ, Danilo E., Quezon; SUSANO, Mary Ann L., Quezon City; SY-ALVARADO, Ma. Victoria R., Bulacan; SYJUCO, Judy J., Iloilo;

TALIÑO-MENDOZA, Emmylou J., North Cotabato; TAN, Sharee Ann T., Western Samar; TEODORO, Marcelino R., Marikina City; TEODORO, Monica Louise Prieto, Tarlac; TEVES, Pryde Henry A., Negros Or.; TUPAS, Neil C. Jr., Iloilo;

UNGAB, Isidro T., Davao City; UY, Edwin C., Isabela; UY, Reynaldo S., Western Samar; UY, Rolando A., Cagayan de Oro City;

VALDEZ, Edgar L., APEC Party List; VALENCIA, Rodolfo G., Or. Mindoro; VARGAS, Florencio L., Cagayan; VILLAFUERTE, Luis R., Camarines Sur; VILLAROSA, Ma. Amelita C., Occ. Mindoro; VIOLAGO, Joseph Gilbert F., Nueva Ecija;

YAP, Jose V., Tarlac; YU, Victor J., Zamboanga del Sur;

ZAMORA, Manuel E., Compostela Valley; and ZIALCITA, Eduardo C., Parañaque.



Salamat sa Philippine Star sa mga pangalang ito.

Friday, July 17, 2009

Kaya Mo Bang Bilhan ng Bra ang Girlfriend Mo?

Sa kwarto...

I: Siguro me breast cancer ako.
Pinoy: (titig na walang pakialam) Ketz?
I: (ngisi) Kasi sumasakit dibdib ko e.
Pinoy: (ikot ng mata) Baka naman kasi masikip bra mo.
I: Oo nga e. (isip ng matagal) Nasabi ko nga ke J e.

Ang Nobyo


Pinoy: Hn?
I: Nung sabi ko ke J na masakit dibdib ko, sabi nya baka magkakaroon na ko.

Ng maraming-maraming pera!


Pinoy: (tahimik na walang pakialam)
I: Sabi ko hindi, masikip lang bra ko. (ikot ng mata na nakangiting ewan) Sabi nya, "Gusto mo bilhan kita ng bra? Akina pera mo, dun ako sa nakita ko. Nagbebenta ng bra dun!"

Ahente ng bra


Pinoy: (tawa) Nyekerz!
I: (halakhak) Ewan ko ba dun! Sabi ko nga ang wirdo nya!
Pinoy: Sabog naman yang boyfriend mo. Usually matinding drama't iyakan kapag anything na ganyan, yung mapipilitang gawin ang stuff na hindi naman macho.
I: Yun nga e! Sabi ko, nge. Sabi nya, "Kesa naman ikaw. Lalake tindero nun, titingnan ka pa!" Sabi ko, malamang, tindero siya e!

Tindero


Pinoy: Naaano lang yun. Ayaw nya kasing me titingin sa boobs mo.

I: Ewan. Tapos sabi niya me underwear din daw dun, baka daw gusto ko.
Pinoy: Kulit. (tawa)

Eto rin ang nobyo na bumibili ng sanitary napkin para sa kanya kapag siya'y nauubusan. At kung titigan mo ng matagal ang lalaking 'to, makikita mong tila wala talaga itong malay sa mga ganitong bagay. Palibhasa kasi, sanay sa ina - kabilang siya sa pamilya ng mga kalalakihan at namumukod-tanging rosas ang kanyang ina. Walang hiya-hiya, walang ilang-ilang.

Ikaw, kaya mo yun?

Thursday, July 9, 2009

Gaano Kakapal ang Mukha Mo

Sa ibang tao, me sagot na kaagad yan - Imeldific. Sa palagay ko ay wala nang tatalo dyan. Kahit Guinness, hindi kinaya.

Wala na talaga.

Nagkaroon ng bonggang selebrasyon ng kanyang kaarawan si Imelda Marcos sa kabila ng "pagdarahop" noong nakaraang July 2. Masaya ako para sa kanya dahil mayroon siyang mga mayayamang amigo at amiga na handang gumastos ng milyones upang mapasaya siya sa araw ng kanyang kaarawan.

Gusto ko nung friends nya...

Sana yung mga amigo at amiga niya ay handa ring gumastos ng ganoong kalaki upang mapasaya ang taong-bayan. Isang paraan ay ang pagbibili ng one-way airplane ticket upang ilipad si Imelda sa Guantanamo Bay Prison ng Cuba. Maangas ang facilities dito - sagot pa ng gobyerno ang lahat ng problemang medikal ng mga residente nito (nakakalungkot lang isipin na saksakan ng walang kwenta ang health care ng Amerika samantalang ang mga preso nila ay winners for life - sarap maging terorista!) . O sa Alcatraz. O para me kurot sa puso, sa Hawaii! Nakikini-kinita ko na - ang sayang pamasko nun.

Tara na, biyahe tayo!

Sa piging na ito ay nagkaroon ng sharing at testifying na animo'y prayer meeting ang dinaluhan ng mga miyembro ng Beautiful Church of Imelda. Palaparan ng papel at pabonggahan ng costume ang drama ng mga guests - at paramihan ng mga papuring maibibigkas ukol sa birthday girl nang hindi umaabot sa pisikal na katawan ang pagsunog ng kanilang mga kaluluwa.

Maaamoy sa ilalim ng mga mamahaling pabango ang amoy ng usok. Hindi ito dahil sa pagluluto.

Nakakabastos ang pangyayaring ito. Pano't nagagawa nila magpakasasa sa ganyang kayamanan at kagarbuhan sa pagitan ng mga naghihirap at nagugutom nating mga kababayan? Ganyan ba ang may simpatiya sa mga mahihirap? Ganyan ba ang nakakaunawa? Sa bawat pagkita ko sa interior ng Sofitel Hotel, tila isa akong pilay na nilapitan ng isang sikat na mananayaw at pinamukhaan ng mga bagay na di ko kayang tamasain.

"Ay, pilay ka? Wawa ka naman. Eto o, ang galing kong sumayaw! Do you know I can do jazz and fandango at the same time? Nakakainggit no?"

Napakadali
talagang sabihin na nasa puso mo ang mahihirap. Napakadali ring kumain ng caviar at uminom ng Dom Perignon habang sinasabi ang makapagbagbag-damdamin at makatulo-uhog na mga katagang ito. Napakatamis, pinapapak na ko ng mga langgam sa gigil.

Lapain nawa ng mga langgam ang matatamis nilang mga dila.

Imeldific. Ibang level na talaga si Imelda - isa na siyang adjective. Ibang-iba talaga ang tigas ng mukha niya.

Kahit konkreto, hindi makapalag.

Ikaw, gaano kakapal mukha mo?

Wednesday, July 8, 2009

Ano ang Magandang Parusa sa mga Hindi Marunong Magbasa?

Kanina ay nasa sakayan ako ng bus malapit sa MRT North Station at nagngingitngit sa galit habang pinagmamasdan ang mga kasama kong pasahero. Umuulan noon at maputik ang daan - isa sa maraming bagay sa mundo na ayaw ko ay ulan. Isa pa ay ang nababasa ang aking mga paa. Sa kasamaang-palad, kapag naroon ang una ay naroon rin ang ikalawa.

Hayup kayo.

Naroon nga ako sa me sakayan ng bus, nakakulong sa mala-rosas na bakal na pumapalibot sa kahabaan mula MRT station hanggang SM North, naghihintay sa ilalim ng rosas na plake na me pangalang Malanday. Dapat sana ay tatawid ako papunta sa isa pang sakayan - na siya talagang nararapat na hintuan ng mga bus pa-Malanday at Malinta - nguni't walang mga bus na humihinto roon. Nalaman ko na WALA na talagang humihinto roon - sabi sa isang munting electronic na signboard roon, ERR.

To err is MMDA. Lintek na pink.

Nagmimistulang epal tuloy sa kalsada ang sakayan na ito. At tambayan ng nag-iisang pulis na nagmamatyag kunwari sa hintuan ng bus.

At kumakanta.

Inis na inis ako tuwing humihinto ang mga bus na me plakeng Navotas o UE Letre o Monumento sa tapat ko - sa ilalim ng Malanday ako naghihintay, ibig sabihin hindi ako sasakay sa bus nila at hindi rin sasakay roon ang mga kasama kong naghihintay. Mahirap bang intindihin at sundin yun?

Oo, mahirap. Ubod-sakit sa pantog na hirap.

Lalo akong naiinis kapag humihinto ang mga bus na ito at may sumasakay - anak ng, yung plake nyo, sa ibang lugar!

Plaque

Halos magkakalahating-oras din akong naghintay dahil kapag umaabot na sa akin ang tamang bus, standing room only na lamang. Bakit? Kasi yung mga sasakay papuntang Malanday ay nag-aabang sa harap kung saan hindi naman dapat. Lintek, kung unahan rin lang ang laban, anupa't gumawa pa ng dalawang hintuan ng bus - na yung isa e hindi naman hinihintuan - na may mga plake kung saan ka maghihintay base sa destinasyon mo at may nagmamatyag na pulis kung hindi rin lang ito susundin ng mga tao?

Pero pag eto, biglang masusunurin.

Kanina ay iniisip ko na napakasaya kung bubulagin ang mga taong ito gayong hindi naman nila ginagamit ang kanilang paningin sa pagbabasa. Nakakatuwa rin marahil na pilayan ang mga tumatawid sa mga maling tawiran dahil sa paggamit ng paa kung saan naman hindi dapat. At yung mga tamad na pulis naman ay balian ng likod para hindi na sila makagalaw dahil yun naman ang nais nila.

Isa tayong bayan ng mga pasaway, ahihihi!

Ansakit talaga sa ulo ng pagiging Pilipino. Tila isa siyang requirement ng pagka-Pinoy - dapat di ka marunong magbasa ng batas pantrapiko o kahit anupamang me bawal o pakiusap at iba pa.

(At kung maaari lang sana, tanggalin na lang yang wire fences na yan gayong wala namang silbi. Bwiset.)

Unless manukan ang bagong gimik ni Bayani. Pagbigyan.

Kayo? Marunong ba kayong magbasa? Anong parusa ang ibibigay nyo sa ating mga kababayang di pa kaya basahin ang ABNKKBSNPLKo ni Bob Ong?

Poor you.

At kelan ba tayo matututong sumunod?

Sunday, July 5, 2009

Kilala Mo Pa Ba ang mga Kaibigan Mo Noong Elementarya?

Hinahanap ko kahapon ang isa sa aking mga certificate sa aming mala-bodegang mini-library nang aksidenteng sumagi ang aking antok na mga mata sa luma kong mga drawers.

Aray...

Naalala ko na ilang taon ko nang hindi ito ginagalaw, at naroon ang kaba sa aking dibdib na, katulad ng isa kong tokador na hindi ko pinakialaman sa loob ng mahabang panahon, ang mga laman nito ay puno na ng mga insekto, amag, at mga nilalang na kumakain ng katawan at alaala.

AAAAAAHHHH!!!

Pinagpaliban ko ang pagkalikot nito hangga't ako'y makapananghalian at makapaligo. Pagkatapos ay daglian kong binuksan ang drawer, at bumungad sa akin ang isang koleksyon - koleksyon ng mga sulat nang ako'y isa pang inosente na palakaibigan at nagtitiwala pa sa ubod-lakas na kapangyarihan ng pagkakaibigan.

Katulad ng mga kumag na 'to.

Binasa ko ang iba at napangiti. Binasa ko ang ilan at napakamot ng ulo. Ang iba'y nagbigay sa akin ng palaisipan: sino ang mga taong ito?

Ang panahon ng ating kamusmusan ay puno ng mga pagkakaibigan na madaling mabuo at madali ring mawala. Tinatawag nating best friend ang mag-abot sa atin ng lapis, at tinatawag naman nating kaaway ang kumuha ng huling pad paper mula sa kaklaseng hinihingian natin nito. Minsan pa'y gumagawa tayo ng barkadahan at naghahanap ng ibang barkadahan na tatawagin nating mortal na kaaway.

Me isa dito!

Naaalala ko pa ang mga panahong sinusundan at pinagtataguan namin ang ilan sa mga kaaway na ito. Tinatawag namin itong pagmamanman sa kilos ng kaaway. Minsan pa'y may lookout na nagmamatyag kung me kaaway na dadaan, at kami na mga naghihintay ay iiwas sa daan na ito o tatambay at aatakihin ang sawimpalad na nilalang na ito sa pamamagitan ng ubod sakit na pagpaparinig.

Alam nyo ba, sisters, balita ko si ano mahilig sa kuwan! Eeeeee! Ayun sya o!

May mga ilang pagkakataon na nagiging pisikal ang mga engkwentrong ito. Ngayong inaalala ko ang mga ito, napagtanto kong nakakatawa pala ang mga pangyayaring iyon. Bukod pa dun, naaalala ko rin na ang ilan sa mga binansagan naming "kaaway" ay naging kaibigan din naman nang hindi maglaon. At ang ibang kaibigan ay naging mga "kaaway."

Ganyan talaga pag nasa elementarya pa - andaling magpalit ng kaibigan. Isang kindat, isang patid, isang kurot, isang ngiti - isang salita lang ay maaari kayong maging magkaibigan o magkaaway. Sa elementarya, ang mga katagang "Friends Forever" ay panandalian lamang - katulad ng panahon ng ating kamusmusan, ang pagiging matalik na magkaibigan sa panahong ito ay panandalian lamang.

Friends Forever

Sa mga naging kaibigan ko noong elementarya, ilan lamang sa kanila ang nananatiling mga kaibigan ko hanggang sa ngayon. High school pa lamang ay nawala na ang karamihan, at mas lalong kumonti nang lahat kami'y magkolehiyo. Ngayong kami'y mga propesyonal na, mabibilang lamang sa aking mga kamay kung ilan ang matatawag kong mga tunay na kaibigan.

Yiki, twelve friends nya!

Bagama't kakaunti, ang kagandahan ng post-elementary friendship ay ang katotohanan na ang mga kasama mo ngayon ay mga tunay at pangmatagalan. Sa kanila, ang katagang "Friends Forever" ay hindi kataga lamang - ang mga katagang ito'y totoo dahil mismo sa kanila.

Habang tumatagal ay lalong sumasar- er, sumasaya?

Naisip ko lang - sana ang mga kaibigan noong elementarya na pinangakuan ko ng habambuhay na pagkakaibigan ay mga kasama ko pa hanggang sa ngayon. Or at least, mga kilala ko pa.

Hi... friends?

Kapag nakita mo ang mga dati mong kaibigan, makikilala mo pa ba sila? Nanaisin mo bang ibalik ang inyong naputol na pagkakaibigan?

Saturday, July 4, 2009

Sasaktan Mo Ba ang Isang Kaibigan na Katulad ng Babaeng Ito?



Marahil ay napanood nyo na ang commercial na ito. Ang patalastas na ito ay mula sa isa sa tatlong higanteng telecom company ng Pilipinas, ang Smart. Tampok sa commercial na ito ang sikat na loveteam na kung tawagin ay Kimerald, na kinabibilangan ni Kim Chiu (si Chinita) at Gerald Anderson (si Amboy). Kasama nila ang isang di nakikilalang babae na wala pang isang minuto ay kinainisan ko na.

Pinapakita sa commercial na ito ang presensya ng babae na ito sa bawat lakad nila Kim at Gerald. Maririnig din ang kanyang bukambibig (panakot) na "Ibo-blog ko yan!" kasabay ang isang mapang-asar at mapagyabang na ngiti hawak ang kanyang cellphone na hinihintay kong me magnakaw para lamang sumimangot siya't ngumawa.

Ibo-blog ko yan!

Nang unang beses ko itong makita ay ninais ko nang bangasan ang mukha ng epal na babaeng ito. Sa bawat pagnood ko nito, hindi nagbabago ang naisin na ito.

Nararamdaman ko naman na mabuting tao ang babaeng umarte ng parte na ito, nguni't sana'y hindi ganun kakapal ang mukha ng kanyang ginampanan (kasalanan ito ng mga utak sa likod ng patalastas na ito). Marahil justification ng commercial na "magkaibigan" si Kim at ang babaeng ito, pero hindi sapat iyon upang ipakitang nanghihimasok sa pribadong buhay niya ang babaeng ito. Oo nga't magkaibigan sila, nguni't hindi naman dapat na buong parte ng buhay ng iyong kaibigan ay dapat mong pinapakialaman, hindi ba? Gugustuhin mo ba na sa bawat pagsalita mo, bawat pagdighay, bawat paglunok at kahit bawat pag-utot ay may nakikinig sa iyo?

Ita-tap ko yan!

Hindi rin maganda ang pakuha-kuha ng babaeng ito ng mga pictures nila Kim at Gerald sa commercial na animo'y isa siyang paparazzo. Hindi ba't "magkaibigan" sila ni Kim? Siya dapat ang isa sa mga unang nakakaunawa na me personal na buhay si Kim na ganun, personal. Isa pa, masyado nyang binabastos ang personal space ng dalawa nang kunan nya ng litrato ang "magkasintahan" habang nasa palengke. Ang invasion of privacy na ginagawa niya ay sobra-sobra na kahit "magkaibigan" sila ni Kim.

Ivi-video ko yan!

Sa aking pakiwari ay mali ang mensahe na ipinaparating ng patalastas na ito. Ang mensahe na kayang mag-blog ng mga tumatangkilik nito sa mismong oras at lugar ng aksyon ay napapatungan ng mensahe na ayos lang ang manggambala ng buhay ng iba. Na walang kaibi-kaibigan o kama-kamag-anak sa ngalan ng mobile blogging.

Hindi ko naman sinasabing palpak ang serye ng patalastas na ito mula sa Smart. Paborito ko ang commercial kasama ang Eraserheads. Si Ely lang talaga ang nakakapaggitara na mukhang makakatulugan ang kanyang pagkanta. Ibang level talaga siya.

Huy, gisingin mo!

Isa pa, kahit tinalikdan ko na ang paggamit ng cellphone, Smart ang numero unong telecom para sa akin. Ito lamang ang ni-minsan ay hindi kumain ng load ko. Kung ako ay gagamit muli ng cellphone, Smart ang SIM na bibilhin ko.

Wag kang mangmang ha? Kahit SIM ka lang.

Pero teka... Me na Me? Hindi kaya't pagiging makasarili ang pinakamensahe ng pariralang ito? At ikaw, sisikaran mo ba ang kaibigan mo kung siya'y katulad ng "kaibigan" ni Kim? Kung hindi, ano ang gagawin mo?

Friday, July 3, 2009

Nasaan Ang Voter's ID Ko?

Nang pumunta ako sa branch ng Comelec sa aming lungsod upang kunin ang aking Voter's ID, me humigit-kumulang na sampung tao ang nakatambay sa harapan ng isa sa maraming bintana nito. Nagtanong ako kung ang pakay ba nila ay ang Voter's ID rin, at me isang nagsabi na oo, dito ang pila ng Voter's ID.

Pila lang po...

Nang bumungad ang isang babae sa bintana at nag-abot ng IDs, hinintay kong maglaho ang mga nakatanggap upang ako'y makalapit. Dala ko ang aking Voter's Registration Form at ito'y inabot ko sa babae sa bintana. Tiningnan nya ako na me tanong sa kanyang mga mata.

Anim na taong gulang na.

Tiningnan nya ang aking papel at tinanong kung dala ko ba ang aking request form. Nang nakita nya ang aking pagtataka, ipinaliwanag nya na kailangan kong kumuha ng request mula sa aking barangay na me nakapaloob na pangalan ko at presinto bilang patunay na ako ay rehistrado. Matama kong tinitigan ang aking registration form bilang hint - inulit ko din na dala ko ang aking registration form na, ayun sa aking lohika, ay sapat na pruweba. Marahan nyang inulit na kailangan ko ang request na iyon at pagbalik kong me dala nun, tsaka nila ibibigay ang aking ID.

Hostage ito, akina request form mo.

Nang pumunta ako sa aming barangay hall, nakausap ko muli ang babaeng kilala ang aking ina. Tinangka nyang hanapin ang pangalan ko nguni't hindi ito lumabas. Tinanong nya ako kung ako ba'y bumoto noon at sinagot ko ito na me pagtango. Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang listahang dinala ko na nakasulat ang lahat ng aking mga iboboto, mula pangulo hanggang barangay kagawad.

Eto... eto... um... sige na nga, eto din!

Sinabi nya na humingi na lamang ako ng request mismo sa branch ng Comelec na yaon. Ibinahagi rin nya ang kanyang karanasan sa sarili nyang Voter's ID - siningil sya ng Comelec upang bigyan sya ng request upang makuha ang kanyang ID, at nalagasan sya ng halagang Php 75. Marahil ito ang paraan nya upang ihanda ako sa kahirapang malapit ko nang matamasa sa kamay ng Comelec...

Pumunta ako sa Comelec branch at nakita kong sarado ang mahiwagang bintana. Kumatok ako at me babaeng sumilip - itinuro nya na gamitin ko raw ang pinto.

E pwede naman pala kasi.

Pagpasok ay nakita ko ang mga nagrerehistro. Dahil kukuha lang ako ng ID, pakiramdam ko ay isa akong mabuting mamamayan. Pakiramdam ko rin ay isa akong importanteng tao nang nilagpasan ko ang mga taong ito na nagfifill-up ng form na kinumpleto ko na anim na taon na ang nakararaan. Kumbaga, senior ako.

Kapagdaka'y hinarap ako ng isang malusog na lalaki at magalang nyang tinanong kung ano ang kanyang maitutulong. Ineksplika ko ang aking pakay, at sinabi nya na kung wala ako sa listahan sa barangay, ibig sabihin nun ay wala pa akong ID.

... Ano kamo...?

Sinabi nya na ang proseso ng paggawa ng Voter's ID ay random. Hindi lahat ay magagawan kaagad, at ang mga meron palang nito ay ang mga nilathala nila sa listahan ng mga pangalan na siyang ibinigay nila sa barangay hall. Kaya sila humihingi ng request mula sa botanteng nais kunin ang kanyang ID, ani nya. Ito ay upang maiwasang pabalik-balikin ang botante na isa lamang na mabuting mamamayan.

Sabi nya ay maaari ko syang kontakin upang aking malaman kung me ID na ako. Ibinigay nya sa akin ang kanyang YM account, at niyaya rin nya akong hanapin sya sa Facebook. Sinabi kong wala akong account sa Facebook.

Mukha mo. In other words, Your face.

Bagama't sya'y nakakatuwa sa kanyang offer ng pagtulong, umuwi akong nagtatampo sa mundo. Ganun na ba kahirap gumawa ng ID sa Pinas na lagpas anim na taon na ay wala pa akong Voter's ID? Ba't di nila gayahin si Binibining Postal ID, na wala pang tatlong minuto ay nalaminate na ang ID kong typewritten?

(At isa pa, bakit kailangang paabutin ng isang araw ang paggawa ng Postal ID gayong wala pang isang oras ay maaari na itong magawa? Nyarz talaga, nyaaaaaarz!!!)

Sabagay. Mukhang mahirap na proseso talaga ang paggawa ng ID. Kaya siguro maraming gumagawa nito, dahil pinipilit nilang magpakadalubhasa sa siyensyang ito na tila wala pang nakakaperpekto. Sa pagkakaalam ko, ang mga nakalapit lang sa kadalubhasaang ito ay ang mga tagagawa ng pekeng IDs. Hindi kaya nararapat na humingi ng tulong ang gobyerno sa mga taong ito? Maaari silang magbigay ng seminar sa tamang paggawa ng IDs na mabilis, malinis, at nakapagpapasaya ng maraming kabataang wala pa sa hustong gulang.

Learn from the master and get a fake ID, absolutely FREE! Oo, LIBRE!

Ikaw, me Voter's ID ka na ba? At umamin ka - me pekeng ID ka rin ba?

Thursday, July 2, 2009

Galit ba si Willie ke Eric?

Isa sa mga paborito kong segmento ng Wowowee (oo, pinapanood ko to) ay ang laro kung san me sumasayaw na dalawang babae sa magkabakilang-gilid ng isang malaking animo'y eskaparate ng mga kartong prutas na me numero. Isa sa dalawang mananayaw nito ay si Aiko ng ASF Dancers. Hindi siya ang paksa ng panunulat na ito.

Sorry.

Tuwing magsisimula ang segmentong ito, maririnig ang isang tunog na alam ng lahat ng bata sa Pilipinas - ang recess bell. Kaalinsabay nito ay ang paglalaway ng mga kabataan dahil oras ng kumain at walang pwersa ni sa langit man o sa lupa ang makapagpipigil sa mga kabataang ito sa pag-stampede papunta sa kantina. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, tanging mga guro lamang ang nakakakontrol ng napakanakakatakot na pwersa ng kalikasan na ito.

Saludo kami sa inyo, Ma'am!

Uh... yun nga.

Tuwing pinatutunog ang bell sa Wowowee ay me sumisigaw ng "IT'S EIGHT O'CLOCK TIME!!!" bagama't pasado ala-una na. Ito ay isang hudyat upang magsimulang sumayaw si Aiko at ang di ko nakikilalang babae, sa ritmo ng isang tulang nilapatan ng tugtog na siyang tinatawag ng karamihan na Poker Face.


Poker Face

Habang sumasayaw, si Willie ay lumalabas upang simulan ang laro. Lalabas kasunod ang isang manlalaro at ipapakita kung pano siya maglalaro. Ang ending, kung aling cash prize ang unang makumpleto (tipong Binggo, kung aling hilera ang unang mapuno), yun ang cash prize na iuuwi ng contestant.

Hindi mag-isa ang contestant sa kalbaryo na ito. Mapupunta ang kamera ke Eric at i-aanunsyo nya kung sino ang isa pang contestant mula sa studio audience. Samakatuwid, dalawa ang manlalaro at pareho sila ng prize na mauuwi.

Maling Eric

Napansin ko na tuwing mababanggit si Eric ay lagang sinasabi ni Willie na hindi ito nakakatawa. Nang mga unang beses ko ito marinig, naisip ko na napakasakit namang magbiro ni Willie. Dahil ba sya ang host ng palabas e me maaari syang magbiro ng ganyan?

Sa kalaunan ay naisip ko na mukhang seryoso ang turan na ito ni Willie. Merong isang pagkakataon na tinanong pa nya ang dalawang contestant kung nakakatawa ba si Eric. Sabi ng una - na parang nahihiya pa - Oo. Sinagot ito ni Willie na hindi sya dapat naaawa rito, sabay tanong saikalawang manlalaro. Sinabi nito na Hindi, at inulit ni Willie ang bansag nya na si Eric ang Komedyanteng Hindi Nakakatawa.

Funny ka kasi e.

Ilang beses itong inuulit ni Willie sa iba't ibang paraan. Minsan ay sasabihin nyang nagtataka sya at nasa show pa nya si Eric gayong di naman ito nakakatawa. Minsan nama'y babanggitin nya na kahit kelan ay hindi sya napatawa nito. Ewan ko ba kung bakit pinapaulit-ulit ito ni Willie. Hindi ba't kalabisan na ang ulit-ulitin ang "joke" na ito? Hindi kaya't napapahiya at nasasaktan rin si Eric, katulad ng ibang mga natatamaan ng kanyang mga jokes? Kung ako na hindi kaibigan o kilala ni Eric ay nalulungkot para sa kanya, paano pa mismo si Eric?

Nirerespeto ko si Willie bilang isang drummer. Angas nya sa drums e. Pero kapag nagsisimula na syang magpatawa ay napapahinto ako habang iniisip na sana ay wala syang saktang tao sa sasabihin nya. Na sana'y walang mapahiya, o mabastos dahil sa mga jokes nya.

Isa pa sa mga nirerespeto ko sa kanya ay ang kanyang abilidad na magpasikat ng kanta. Umawit lamang sya ay tatatak na kaagad sa isipin ng mga tagapakinig. Sa ayaw at sa gusto mo.

Parang biro lamang...



Kanina ay hindi ko nakita si Eric sa segmentong iyon ng Wowowee. Iniisip ko kung siya ba ay may sakit (dahil sa kalungkutan) o tinanggal na (dahil siya ay nakakalungkot magpatawa ayon ke Willie). Sinubukan kong abutin si Eric nguni't sa kasamaang-palad, hindi ko alam ang numero nya.

It's the thought that counts.



Ayaw ba talaga ni Willie ke Eric, o gimik lamang ito? Darating kaya ang araw na palalakasin naman ni Willie ang loob ni Eric? O susuko na lang si Eric at patutunayan ke Willie at sa lahat na nakakatawa siya?

Sino ang mas nakakatawa, si Willie o si Eric?